Dalawang menor de edad na anak ni San Juan City Mayor Francis Zamora, sumailalim sa pagbabakuna para sa 5 hanggang 11 taong gulang sa lungsod

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga magulang na kumbinsihin ang kanilang mga anak na magpabakuna kontra COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Zamora, makaraang pinabakunahan nito ang kanyang mga anak na may edad 8 at 11 taong gulang dahil nais umano ng alkalde na ipakita sa kanyang nasasakupan na walang dapat na ikatakot sa pagbabakuna sa menor de edad dahil ito umano’y ligtas at epektibo sa mga bata.

Matatandaan na kahapon pinasinayaan ni Mayor Zamora, ang pagbabakuna sa edad 5-11 taong gulang sa FilOil Flying V Centre kung saan dinaluhan mismo nina DILG Usec. Jonathan Malaya, NEDA Sec. Karl Kendrick Chua, NTF Deputy Chief Implementer and Testing Czar Sec. Vince Dizon, at DOH Asst. Regional Director Dr. Alelie Annie Grace Sudiacal.


Paliwanag ng alkalde 1,300 mga kabataan ang sumailalim sa pagbabakuna na bibigyan ng mababang dose ng Pfizer vaccine kung saan inisyal umano nilang target na mabakunahan ay 5,000 mga menor de edad na residente ng San Juan City pero humigit kumulang 8,000 na ang nakarehistro para sa vaccine program at mga 1,800 naman mula sa ibang lungsod at probinsiya.

Dagdag pa ni Mayor Zamora, na napapansin niyang marami ang nagpapabakuna kaya’t plano ng alkalde na tataas pa ang bilang ngayong araw kaya’t inatasan niyang magtext ng 1,800 bawat araw dahil kakayanin naman nila.

Kapansin-pansin na para hindi matakot sa bakuna ang mga bata nag-decorate sila sa lugar na mistulang ang tema ay Children’s Party kung saan mayroong nakasuot na mga super heroes, clowns, magicians, at mga mga balloon upang magiging kaaya-aya sa paningin ng mga bata at sila’y malilibang habang nag- aantay na mabakunahan.

Facebook Comments