Dalawang Menor de edad na Estudyante, Huli sa Pagbebenta ng Marijuana!

*Ilagan City, Isabela- *Arestado ang dalawang estudyanteng menor de edad matapos maaktuhang nagbebenta ng talbos ng Marijuana sa Brgy. Poblacion, City of Ilagan, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang dalawang binatilyo na itinago sa pangalang “Jomar” at “Jun-jun” matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Ilagan kung saan binentahan ng dalawang binatilyo ang isang police poseur buyer ng Marijuana na ibinalot sa isang papel.

Narekober pa mula sap ag-iingat ng dalawang suspek ang dalawang folded paper na naglalaman ng mga tuyong talbos ng Marijuana, isang piraso ng pipe, isang bunit ng cellphone at limang daang pisong buy bust money.


Dinala na sa PNP Ilagan ang dalawang binatilyo para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments