SUMUKO | 6 na miyembro ng NPA sumuko sa militar sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Kusang loob na sumuko sa militar ang anim na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay San Agustin, Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay AFP Northern Luzon Command Spokesperson Lieutenant Colonel Isagani Nato lima sa anim na sumuko ay regular NPA members at isa ay mula sa milisyang bayan.

Ang mga ito ay miyembro ng Josefino Corpuz command na ngayon tinawag ng Larangang Gerilya (KLG) “Caraballo”.


Sumuko sila sa 3rd Civil Military Operations (3CMO) Company, ng 84th Infantry Battalion (84IB) at 70th Cadre Battalion, kapwa sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) “Kaugnay”.

Isinuko rin nila ang isang High Powered Firearms (HPFAs) at limang Low Powered Firearms (LPFAs.

Siniguro naman ng pamunuan NOLCOM na magpapatuloy ang kanilang effort para magtuloy-tuloy ang pagsuko ng mga rebelde.

Facebook Comments