Dalawang mga municipal councilors at ABC president sa bayan ng san Fernando arestado dahil sa iligal na armas at droga

245

DALAWANG municipal councilors at ABC President sa bayan ng San Fernando Cebu ang timbog sa joint operation ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-7, Provincial Intelligence Branch dahil umano sa pagkaroon ng iligal na mga armas.
Nahuli sa magkahiwalay na operasyon sa pamamagitan ng search warrants na inisyu ni Judge Jerry Dicdican ng RTB branch 25, sa Danao City sina San Fernando municipal councilors Edwin Villaver, Alfonso Donaire at ABC president Johnny Arriesgado.
Ang tatlong mga opisyal ay nasa listahan bilang high level target ng Cebu Provincial Police Office.
Nakuha mula sa dalawang nadakip na municipal councilors, ang dalawang magka- ibang caliber pistol, mga bala at isang malaking pakete na hinihinalang shabu, habang nakunan ng armas si kapitan Arriesgado.
Mariin namang itinanggi ng mga lokal na mga opisyal na sangkot sila sa iligal na aktibidad at sinabing politically motivated ang kanilang pagkaka aresto.#

Facebook Comments