Lanao Del Norte Governor Dimaporo, umapela kay Presidente Duterte na alisin ang kanilang mga pangalan sa inilabas na resolution ng NAPOLCOM

256

Lanao Del Norte – Umapela kay Presidente Rodrigo Duterte si Lanao del Norte Provincial Governor Imelda Dimaporo na alisin ang kanilang mga pangalan at mga kasama nitong mayor sa resolution ng National Police Commission na tanggalan sila ng kapangyarahin sa hanay ng kapulisan at pinagbintangan pa na protector sila nga mga drug lord at sumusuporta sa Maute Group.

Tinawag na unfair ni Governor Dimaporo ang inilabas na resolusyon ng NAPOLCOM dahil malaki ang kanyang paniniwala na walang basihan ang ahensya sa pagpalabas ng nasabing alegasyon lalong-lalo na umanoy protector sila ng mga drug lord.

Ayon kay Dimaporo, ginagawa nila ang lahat sa probinsya ng lanao del norte para hindi masira ang kanilang relasyon sa hanay ng kapulisan kung saan katuwang nila ito sa pagpapatupad ng seguridad sa probinsya.


Inaasahan ni Dimaporo na mabigyan ng aksyon ng pangulo ang kanyang apela sa pamamagitan ng pag-validate at pag-imbestiga sa naturang resolusyon sapagkat pawang na demoralize na ang kanilang mga pangalan dahil sa mga maling akusasyon.

Facebook Comments