Dalawang milyong estudyante, nag-enroll sa private schools – DepEd

Umakyat na sa dalawang milyong estudyante ang nag-enroll sa mga pribadong eskwelahan sa buong bansa.

Batay sa national enrollment data ng Department of Education (DepEd) mula nitong September 7, ang enrollment sa private schools para sa School Year 2020-2021 ay umabot na sa 2,009,025.

Nasa 2,432 non-graded learners na may disabilities ang nag-enroll sa private schools ngayong taon.


Ang kasalukuyang enrollment sa private schools ay 46.47% ng kabuuang enrollment noong SY 2019-2020 na nasa 4.3 million.

Nasa 398,915 students mula sa private schools ang lumipat sa public schools.

Nasa 440 private schools na nag-aalok ng basic education sa buong bansa ang hindi makapagbubukas ngayong taon matapos magsumite ng Notices of Closure.

Facebook Comments