Dalawang milyong katao, nakilahok sa black protest sa Hong Kong

Umabot sa halos dalawang milyong katao ang nakiisa sa mass protest sa Hong Kong bilang pagkontra sa extradition bill.

Ito na ang pinakamalaking protesta sa kasaysayan ng Hong Kong.

Hindi kasi pabor ang nakararaming Hong Kong nationals sa panukalang ipadala ang mga tao sa mainland China para doon litisin.


Pinangangambahan din ang muling paglakas ng impluwensya ng China sa Hong Kong.

Hiniling din nila na ibasura ang panukala at hindi suspendihin.

Una nang humingi ng paumanhin si Hong Kong leader Carrie Lam dahil sa pagsusulong ng panukala.

Facebook Comments