Dalawang milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska sa tatlong drug suspek sa Bukidnon

54

Arestado ang tatlong drug suspek sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga naaresto na sina; Jabir Dacula Mandok, 19-anyos, Jucair Mandok alias Joker, 30-anyo;s at Sittie Mandok, 28-anyos.


Sila ay nahuli ng mga pulis at PDEA agents sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Poblacion West, Kalilangan, Bukidnon.

Sa ulat ng PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakuha sa tatlong drug suspek ang nasa 300 gramo ng shabu na may halagang P2,040,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP ang mga naaresto at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments