Higit 7,000 indibidwal, nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa

43

Aabot sa 7,372 ang panibagong gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, sumampa na sa 1,188,243 ang kabuuang recoveries sa bansa.


Nasa 7,228 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,269,478 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sumampa naman sa 21,898 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 166 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 59,337 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, wala naman natanggap na report ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nadagdag sa bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.



Sa kasalukuyan, nananatili sa 19,878 ang bilang kumpirmadong kaso ng virus sa hanay ng mga pinoy sa abroad, 1,194 ang nasawi at 12,056 ang bilang ng mga nakarekober.


Facebook Comments