Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa mga militar sa Sulu

39

Kusang loob na sumuko sa gobyerno ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa tropa ng militar na nakatalaga sa 45th Infantry Battalion Headquarters sa Brgy. Tugas, Patikul Sulu.

Kinilala ni 45IB Acting Commanding Officer Ltc. Vicente Mabborang Jr., ang mga sumuko na alias Adzmil at alias Raj na parehong residente ng Patikul.

Ang dalawa ay dating tagasunod ni ASG leader Radullan Sahiron na parehong bata pa lang ay na recruit na ng ASG.


Kasabay naman ng pagsuko ng sarili ay sinuko rin ng dating rebelde ang kanilang mga armas.

Na-pressure daw ang mga ASG dahil sa kanilang sunod-sunod na operasyon sa lugar.

Ito’y matapos masawi ang dalawang ASG kamakailan at isang sundalo dahil sa naganap na engkwentro.



Samantala, patuloy naman ang panghihikayat ng militar sa iba pang rebelde na sumuko na sa gobyerno.

Facebook Comments