Isa sa mga district hospital sa Maynila, halos nasa 50% na ang bed capacity ng COVID-19

36

Umaabot na sa 47% ang bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19 ang naitala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 35 kama na ang okupado sa Gat Andres mula sa 75 higaan na inilaan dito.

Bagama’t nasa 47% ang occupancy rate sa Gat Andres, nananatili naman sa 13% ang kabuuang bed capacity sa anim na district hospitals.


Nasa 3% naman ang occupancy rate sa COVID Field Hospital kung saan nasa 12 kama ang okupado mula sa 344.

Nananatili naman sa 0% ang occupancy rate sa 14 na quarantine facilities sa Maynila kung saan nasa 923 ang mga COVID beds na inilaan ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments