Dalawang Opisyal ng Barangay, Tinambangan

San Pablo, Isabela – Patay ang dalawang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang kalalakihan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News ay isang barangay treasurer at barangay tanod ng Dalena, San Pablo, Isabela ang namatay mula sa tama ng ibat ibang bala ng baril nang sila ay tambangan ng mga suspek.

Nangyari ang insidente kaninang bandang 8:00 ng umaga sa Barangay Annanuman sa naturang bayan.


Sakay ang mga biktima sa isang owner type jeep na may plate number na UHK 272 at sila sana ay papuntang Cabagan, Isabela.

Nang sila ay napadaan sa pinangyarihan ng insidente ay bigla na lang silang pinaputukan ng di pa malamang bilang ng suspek gamit ang ibat ibang kalibre ng baril.

Di pa inilalabas ng kapulisan ang pangalan ng mga biktima.

May isa ding sugatan na sakay sa naturang owner type jeep ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Kasalukuyan ngayon ang case conference sa provincial office ng Isabela PNP kasama ang hepe ng San Pablo na si PSI Orlando Marayag at ilang mga opisyal ng Police Provincial Office.

Hindi pa naglalabas ng impormasyon ang PNP San Pablo, Isabela dahil kasalukuyan pa umano ang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Facebook Comments