P. Duterte, Inaming May Iniindang Sakit

2

MANILA – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga iniinda siyang problema sa kalusugan.Inamin ng pangulo na halos-araw-araw siyang nakakaranas ng migraine, dahilan para kanselahin ang ilang schedule.Para maibsan ang sakit, sinabi ng pangulo na umiinom na siya ng pain killer para sa cancer patients hanggang sa pinatigil siya ng doktor.Ayon kay Duterte – marami pa siyang sakit pero nilinaw niyang wala siyang cancer.Sa kabila ng pag-amin ng pangulo, nilinaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella – walang problema sa kalusugan ng pangulo.Muling tiniyak ni Abella na tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng presidente dahil gusto nito ang kanyang ginagawa at trabaho.

Facebook Comments