Dalawang Opisyal Ng Bureau Of Immigration Na Sangkot Sa Umanoy Extortion Sa Gambling Operator Na Si Jack Lam – Sinibak N

18

MANILA – Sinibak na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang dalawang intelligence officials ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa pangingikil mula sa casino owner na si Jack Lam.Kinumpirma ni Aguirre na nagpalabas ito ng department order upang tanggalin na sa pwesto sina acting BI Intelligence Division Chief Charles Calima Jr. at Technical Assistant for Intelligence Edward Chan.Ang dalawa ay nasangkot matapos na idawit nina Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na sinasabing tumanggap ng 50 milyong piso na suhol mula kay Lam kapalit ang pagpapalabas sa 600 Chinese national na naaaresto dahil sa iligal na pagta-trabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino Sa Clark, Pampanga.Mula sa 50 million na tinanggap nina Robles at Argosino, dalawang milyong piso ang napunta umano kay Sombero at 18-million pesos kay Calima.Mariing itinanggi naman ng dalawang opisyal na sangkot ang mga ito sa naturang extortion habang inirekomenda na ni Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak naman kina Argosino at Robles.

Facebook Comments