Pagdinig Sa Isinampang Kaso Laban Sa Mga Miyembro Ng Cidg-8 Na Nakapatay Kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa – Sis

8

MANILA – Uumpisahan na sa Martes, Disyembre 20 ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamong isinampa laban sa mga pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa Leyte sub-provincial jail noong November 5.Ang mga reklamong murder, robbery, malicious procurement of search warrant, perjury at planting of evidence ay inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ laban sa 25 respondents.Kasama dito si Superintendent Marvin Marcos at iba pang miyembro ng CIDG raiding team.Ang ikalawang pagdinig ay itinakda ng DOJ sa January 8, 2017 kung saan inaasahang magsusumite ng kanilang counter-affidavits ang mga respondent.Una nang lumabas sa findings ng NBI na rubout ang naganap sa bilangguan na ikinasawi ni Espinosa at Raul Yap.

Facebook Comments