Dalawang opisyal ng kapulisan sa Cagayan de Oro, guilty sa kasong graft and corruption ayon sa Ombudsman

Cagayan de Oro, Philippines – Lumabas na guilty sa kasong graft and corruption ang dalawang opisyal ng kapulisan sa Cagayan de Oro City Police Office o COCPO.

Dahil dito, pagkatanggal sa serbisyo ang hatol ng Ombudsman sa dating hepe ng traffic unit sa COCPO na si Police Supt. Michael John Deloso at kasamang si SPO3 Ernesto Galleto.

Ayon sa complainant na si Atty. Ernie Palanan, dating presidente ng Xavier Heights jeepney drivers association na kahapon nila natanggap ang desisyon ng Ombudsman hinggil sa isinampang kasong paglabag sa graft and corrupt practices act laban sa dalawang pulis dahil sa panghihingi ng pera mula sa mga jeepney drivers.


Matandaan na nadakip si Deloso at Galleto noong Marso 17, 2014 at nakunan sila ng anim na libong peso sa isinagawang entrapment operation ng kapulisan at mga tauhan ng National Bureau of Investigation region 10.
DZXL558

Facebook Comments