Dati nang sumuko sa tokhang, naaresto sa buy bust operation

Zamboanga del Sur, Philippines – Dalawang drug suspect na dati nang sumuko sa tokhang ang naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa Sitio Lugimit bayan ng Margosatubig lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Sitti Aida Humaraji 29-anyos at Rheadine Calingacion 23-anyos residente sa nasabing lugar.

Ang nadakip ay kabilang ng high value target ng Margosatubig Municipal Police Station, nakuha mula sa suspek ang sampung pakite ng hinihinalang shabu at P500 na buy bust money.


Kasalukuyang nasa kustodiya Margosatubig MPS ang mga naarestong mga suspek.
DZXL558

Facebook Comments