Kasunod nang inaasahang pagbubukas muli ng mga sinehan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas pagsapit ng March 1.
Pinangangambahan ng ilang health experts ang mabilis na pagkalat ng virus dahil walang proper ventilation sa mga sinehan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Director Eric Tayag, dalawang oras lamang ay possible nang kumalat ang virus doon.
Kaya mungkahi ng mga eksperto hintayin na lamang ang bakuna bago tuluyang magbukas ang lahat ng negosyo tulad ng mga sinehan.
Pero kung hindi na aniya maaawat ang re-opening ng mga cinema sa March 1 dapat ay masunod pa rin ang health and safety protocols, bawasan ang screening upang ma-disinfect palagian ang mga sinehan, hindi dapat pupunuin o may limited seating capacity lamang, dapat din ay 2 seats apart at bawal kumain nang sa ganun ay hindi tatanggalin ang face mask sa buong oras ng panonood ng pelikula.