Dalawang pagsabog sa Quiapo, Maynila…tatlong anggulo ang tinitingnan ng National Capital Region Police Office

60

Manila, Philippines -Tatlong anggulo ang sinisilip ng NationalCapital Region Police Office sa nangyaring pagsabog sa Norzagaray Street sa Quiapo,Maynila noong Sabado ng gabi na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ngiba pa.
 
Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde – malinaw na ang target ngpagpapasabog ay ang isang abogadong imam na si Hassel Abinar na siyangpinag-abutan ng package na may lamang bomba.
 
Aniya, maaaring may kaugnay ang motibo sa trabaho ni Abinar okaya naman ay personal na galit dahil sa mga natatanggap nitong banta sakanyang buhay.
 
Posible rin aniyang may kinalaman ito sa pagpapalayas kay Abinarsa inuupahan niyang tirahan sa diamond lounge.
 
Giit pa ni Albayalde, hindi ito konektado sa nangyaring pagsabogsa Quiapo noong April 28.
 
Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang isang hindilisensyadong kalibre-45 baril.
 
Patuloy din aniyang inaalam ng pulisya kung para kanino angikalawang pagsabog na nangyari rin sa parehong lugar.
 
Sa ngayon ay naka-lock down na ang lugar na pinagyarihan ngpagsabog.
 
Sinisilip na rin aniya kung may kinalaman ang nasawing tauhan nggrab Philippines na nag-abot ng package na pinagmulan ng pagsabog sa Quiapo,Maynila.
 
Kinuwestyon din ni Albayalde ang Grab Philippines dahil sa hindipag-iinspeksyon sa laman ng mga package bago ito ipadala.
 
Samantala, kinondena ng Grab Philippines ang magkasunod na pagsabog.

Facebook Comments