Pagalugad ng militar sa isang lugar sa Basilan kung saan muling nagkasagupa ang grupo ng Abu Sayyaf at Militar, nagpapatuloy

Manila, Philippines -Nagpapatuloy ang  pagalugad ng militar sa sitio talisay brgy. UpperBembengan Sumisip Basilan.
  Matapos ang naganap na panibagong sagupaan doon sapagitan ng tropa ng 4th special forces batallion at hindi pa mabilang namiyembro ng Abu Sayyaf Group na naging dahilan ng pagkasawi ng apat na bandidoat pagkakakubkob ng isa sa mga kuta ng ASG.
  Ayon kay Capt Jo-Anne Petinglat ang tapagsalita ng AFP WesternMindanao Command nagpapatuloy ang hot pursuit operation na ginagawa ng jointtask force Basilan ito ay batay na rin sa kautusan ni Lt. Gen. Carlito GalvezJr. ang commander ng Western Mindanao Command.
  Sa official statement ni Galvez sinabi nitong hindi silatitigil na tugisin ang mga bandido hanggat hindi tumitigil ang mga ito sapaghasik ng gulo.
  Sa ngayon aniya malaki ang naitutulong ng mga impormasyonibinigay ng mga nagsisukong ASG members upang tuluyang mapatigil ang ASG sakanilang mga terrorist acts.
 

Facebook Comments