Dalawang Pampasaherong Bus, Nagbanggaan sa Maharlika Highway ng Cauayan City Isabela!

Cauayan City, Isabela – Nagbanggaan ang dalawang pampasaherong bus kaninang madaling araw sa kahabaan ng maharlika highway ng Barangay District 1, Cauayan City.

Ito ay kinasangkutan ng isang victory liner na minamaneho ni Jesus Lucero, apatnapu’t isang taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Quirino Nueva Vizcaya.

Samantala ang drayber ng Florida ay si Artemio De Luna, singkwentay syete anyos, may asawa at residente ng Gumarweng, Piat, Cagayan.


Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan ay huminto umano ang victory sa naturang lansangan upang sana ay magbaba ng pasahero, na sinusundan naman ng Florida ngunit hindi naman ito kaagad napansin at nakontrol ng florida upang huminto, na naging dahilan ng pagkabangga nito sa kasunod na bus.

Nagtamo ng pinsala ang magkaparehong bus na wala namang naitalang nasaktan sa mga pasahero.

Samantala hinihintay pa sa PNP Cauayan ang mga may-ari ng dalawang bus upang pag-usapan ang naging pinsala ng dalawang bus.

Facebook Comments