Nagbibisikleta sa Echague Isabela, Patay Matapos Mabangga ng Motorsiklo!

Echague, Isabela – Patay ang isang nagbibisekleta kahapon matapos mabangga ng motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Andy Orilla, hepe ng Echague Police Station na kinilala ang biktima na si Rolly Savella, singkwenta anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Buneg, Echague, Isabela samantala ang drayber ng motorsiklo ng TMX 155 ay si Hector Sargado, apatnapu’t walong taong gulang, may asawa at nakatira sa Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela.

Aniya, habang nasa kahabaan ng daan si Savella ay nag-iba ito ng linya na dahilan naman ng pagkakabangga sa kanya ng motorsiklo.


Sa lakas umano ng impak ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na dinala naman sa pikamalapit na ospital ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng kakukulang lunas.

Nagtamo rin ng sugat sa mukha at hinihinalang may nabali sa ibang parte ng katawan ni Sargado kung saan siya ay naka-confine ngayon sa Echague District Hospital, kasama ang angkas nito na si Jason Jimenez na nagkaroon naman ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang ulo, sa ilong at kanang kamay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Echague hinggil sa nasabing aksidente.

Facebook Comments