Dalawang panukalang magpapalakas sa kakayahan ng bansa na tumugon sa health emergency, dapat iprayoridad ng Kongreso

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa liderato ng Kamara at Senado.

Ito ay para isama sa mga prayoridad na talakayin at ipasa ang dalawang panukalang batas na magpapalakas sa kakayahan ng bansa na tumugon sa health emergency katulad ng pandemya.

Ang tinutukoy ni Go ay ang Senate Bill No. 2158 ukol sa pagtatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention o CDC at ang Senate Bill number 2155 para naman sa paglikha ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines o VIP.


Sa ngayon ay nasa Committee level na ng Senado ang nabanggit na mga panukalang batas.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 2158 na ang CDC ay maihahalintulad sa Center for Disease Control sa Amerika at iba pang bansa at ito ang mangunguna sa pagkontrol sa pagkalat ng nakakahawang sakit katulad ng COVID-19.

Sang-ayon naman sa Senate Bill number 2155, ang VIP ay ang magiging principal laboratory para sa pagsasaliksik at pag-iimbestiga sa mga virus.

Ito rin ang mangangasiwa sa paggawa at pagbili ng mga bakuna laban sa sakit katulad ng COVID-19.

Facebook Comments