DOH, nagpaliwanag kung bakit itinaas sa Alert Level 4 ang Northern Samar

54

Hindi pa natatanggap ng Department of Health (DOH) ang kopya ng report o ang pormal na apela ng provincial government officials ng Northern Samar hinggil sa pagsasailalim sa kanilang lalawigan sa Alert Level 4.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na hindi naman basta basta na lamang in-escalate sa Alert Level 4 ang Northern Samar bagkus ay mayroon itong basehan o metrics na sinusunod.

Ani Vergeire, 80% na ng COVID-19 beds sa lalawigan ang okupado, ibig sabihin 20% na lamang ang kanilang bed capacity na sadyang mababa o kakaunti saka-sakaling tumaas pang lalo ang kaso ng COVID-19 sa lugar.


Paliwanag pa ni Vergeire, sa ngayon ay nasa high risk ang healthcare utilization sa Northern Samar at base sa datos ay patuloy pa ang paglobo ng mga kaso roon.

Facebook Comments