Dalawang pasahero na dumating sa bansa, nagpositibo sa Omicron variant ayon sa DOH

448

Kinumpirma ng Department of Health na dalawang pasahero ang nagpositibo sa Omicron variant.

Kabilang ang mga ito sa resulta ng sample na isinailalim sa genome sequencing kahapon.

Ang dalawang pasaherong dumating sa bansa ay kinabibilangan ng isang returning Overseas Filipino Worker (OFW) na nanggaling ng Japan na dumating noong December 1 sakay ng Philippine Airlines flight 0427.


Dumating ito sa bansa na may lagnat at ubo at asymptomatic.

Habang ang bagong kaso naman ay isang Nigerian national na dumating sa bansa noong November 30 sakay ng Oman Air flight WY 843.

Nakuhanan siya ng sample noong December 6.



Nakalagay na siya sa isang isolation facility at isinasagawa na ang pagtunton sa mga naging close contact ng mga ito.

Facebook Comments