Tambalang Lacson-Sotto, magsasagawa ng “Online Kamustahan” at iba pang aktibidad sa Northern Luzon

125

Bibisita sina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at ang runningmate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa probinsya ng Benguet at Pangasinan para sa kanilang “Online Kamustahan” at iba pang aktibidad.

Magkakaroon ng dayalogo ang tambalang Lacson-Sotto sa mga residente, local government officials, at stakeholders ng business community sa La Trinidad Sports Complex sa Sabado, December 18 gayundin sa Lingayen Plaza Auditorium sa Linggo, December 19.

Makakasama rin sa mga aktibidad ang ilan sa mga senatorial candidate ng tambalang Lacson-Sotto.


Samantala, imbitado rin ang mga miyembro ng media sa naturang aktibidad.

Facebook Comments