Dalawang Pasahero sa Pampasadang Tricycle sa Tuguegarao City, Ipatutupad

*Cauayan City, Isabela- *Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City ang inaprubahang ordinansa na magbibigay pahintulot sa mga tricycle driver na magsakay ng dalawang pasahero.

Ito ay matapos na lagdaan ni City Mayor Jefferson Soriano ang ipinasang ordinansa ng konseho.

Batay sa nakasaad sa ordinansa, isang pasahero ang uupo sa sidecar ng tricycle habang ang isa naman ay uupo sa likod ng driver subalit kaakibat nito ang paglalagay ng barrier.


Magkakaroon din ng pagbabago sa pasahe (fare matrix) sa pamamasada kung saan kung mag-isang sasakay na mula sa poblacion ay 25 pesos ang pasahe.

Kung dalawang pasahero naman ang sasakay ay paghahatian nila ang P40 na itinakdang pamasahe kaya’t P20 lamang ang babayaran ng bawat isa.

Kaugnay nito,sa layong tatlong (3) kilometro palabas ng poblacion area ang pasahe ng isang pasahero ay P50 at kung dalawa naman ay P30 pesos bawat isa.

Gayundin kapag 6-7km palabas ng poblacion, P75 para sa iisang pasahero habang P40 bawat isa kung dalawa.

Bukod dito,mananatili naman ang number at color coding sa pamamasada ng mga tricycle sa lungsod.

Tugon ito upang makatulong sa estado ng pamumuhay ng isang tricycle driver ngayong may pandemya.]

Facebook Comments