Zia Dantes at Scarlet Snow Belo, ibinida ang kanilang cute Halloween looks

114

Nabihag ang puso ng mga netizens matapos makita ang cute na cute na Halloween look ni Zia na anak ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa Instagram post ni Marian na may mahigit 517,000 likes na, makikitang naka-costume si Zia bilang si Jasmine ng sikat na Disney movie na Aladdin para sa kaniyang school Halloween party.


Ilan sa mga nag-comment sa post at pumuri sa ganda ni Zia sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, Iya Villania at marami pang iba.

Samantala, nag-trending din sa social media ang mga litrato ni Scarlet Snow Belo na anak nina Hayden Kho at celebrity beauty Doctor Vicky Belo.

Ibinida naman ni Scarlet ang kaniyang Halloween look bilang The Red Queen mula sa sikat na fantasy film na Alice in Wonderland.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 174,000 likes sa Instagram ang mga picture ni Scarlet.




Facebook Comments