Dalawang Paslit, na Hit and Run

131

Burgos Isabela- Nagtamo ng mga sugat at galos sa ibat ibang parte ng katawan ang dalawang bata matapos ma hit and run habang patawid sa kalsada ganap na alas singko ng hapon, Pebrero 2, 2019.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Cavalier Thomas Annagaran at Thor Andrew parehong 5 taong gulang at kapwa residente ng Barangay Culalabo Del Sur, Burgos Isabela.


Batay inisyal na pagsisiyasat ng PNP Burgos ay papatawid umano ang dalawang biktima sa kalsada sa kanilang barangay ng mabangga ng paparating sa motorsiklo. Imbes na saklolohan ang nasabing mga biktima ay agad tumakas ang driver ng motorsiklo sa di mabatid ng direction

Sa follow up operaion ay natunton at nadakip ang driver ng motorsiklo na nakilalalang si Guillermo Creila,apat na put siyam na taong gulang ,may asawa at residente ng barangay Santa Lucia,Quirino, Isabela

Ayon sa suspek hindi umano nito sinasadya ang pangyayari at nataranta umano ito kaya iniwan nalang ang mga bata na sugatan.
Agad naman isinugod ng mga sumaklolong mga residente sa pinaka malapit na pagamutan ang mga biktima na ngayon ay nagpapagaling na,,samantalang ang suspek ay mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments