Apat na Katao Inaresto Dahil sa Ilegal na Droga

71

Roxas Isabela – Agad na inaresto ang apat na katao matapos na magpositibo na nag-iingat ang mga ito ng ilegal na droga.

Ito ay matapos isilbi ang search warrant ng mga alagad ng batas sa nasabing bayan.


Ang search warrant ay ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 sa Roxas, Isabela.

Ang mga inaresto ay nakilalang sina Nelson Jake Collantes,Vince George Collantes, Mayville Jeremy Dayrit kapwa residente ng Barangay Rizal, at Cyber Pascua na residente naman ng Barangay San Antonio Roxas Isabela.

Una rito ,ganap na alas nueve y medya kagabi Pebrero 2, 2019 ng pasukin ng mga otoridad sa pangunguna ni PCI Engelbert Bunagan hepe ng PNP Roxas at mga elemento ng PDEA Region 2 ang isang bahay sa naturang barangay

Ang nasabing pagdakip ay nag-ugat sa pagkakadiskubre ng mga awtoridad sa mga drug paraphernallas at mga dahon ng marijuana sa tahanan ng isa sa mga suspek sa bisa ng isang Search Warrant.

Ang mga suspek ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa dukomentasyon at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers