Mallig, Isabela -Isinailalim na sa paraffin test ang dalawang person of interest sa nangyaring pamamaslang sa barangay kapitan ng Barangay Trinidad Mallig Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Michael Tubana, hepe ng PNP Mallig ,ang dalawa ay nakilalang si Barangay Kagawad Jolly Ladiero, katunggali ng biktima sa pagka kapitan sa naturang lugar at ang bayaw ng biktima na si Dionicio Juan Jr.
Ayon pa kay Senior Inspector Michael Tubana, batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga tauahan nito at SOCO Isabela ay napag alaman na tadtad ng bala ng M16 armalite riffle ang katawan ng barangay kapitan.
Una rito ay nakakita ng bahid ng dugo ang mga pulis sa tricycle na kolong kolong ng bayaw ni kapitan kung kayat nagduda ang mga ito at inimbitan sa pulisya.
Sa karagdagang pagsisiyasat ng kapulisan napag-alaman na karaniwang nag-jojogging ang kapitan tuwing umaga sa lugar.
At sa araw ng pamamaslang ay may nakakita umano sa dalawang lalaki na nag warning shot pa matapos ratratin ang biktima at umalis sa pinangyarihan ng krimen.
Narekober sa crime scene ang ang labing isang basyo ng bala ng m16 armalite at pitong slug nito.
Samantala nilinaw ni Senior Inspector Tubana na hindi kabilang ang bayan ng Mallig sa election watch list.