Dalawang persons of interest na iniimbestigahan sa Bulacan Massacre, nawawala; Naulilang padre de pamilya ng mga Carlos, isasailalim na sa Witness Protection Program

Bulkacan – Isa pa sa limang Persons of Interest ang dinukot ng mga hindi nakilalang suspek sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Una nang dinukot noong Biyernes ang isa sa mga isinasangkot sa krimen na si Alvin Mabesa.

Sa interview ng RMN kay Rosario Sorima, ina ng pinatay na persons of interest na si Roosebelt Sorima – habang nagpipintura, isang pulang kotse ang tumigil sa tapat ng bahay ni Tony Garcia saka ito sapilitang isinakay.


Nangyari umano ang pagdukot alas onse kahapon nang umaga kasabay ng libing ng mag-anak ni Dexter Carlos at pagpatay naman kay Somari.

Ayon sa PNP-Bulacan, wala pa silang natatanggap na report hinggil dito.

Nang bisitahin naman ng reportorial team ng RMN-DZXL 558 ang bahay ng huling persons of interest, napag-alamang hindi na rin ito umuuwi sa kanyang bahay.

Samantala, pinag-aaralan na ng Department of Justice ang paglalagay kay Dexter sa Witness Protection Program para mabigyan ito sa seguridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Facebook Comments