Dalawang Pinoy, sangkot sa panibagong anti-Asian attack sa Estados Unidos

Muli na namang nasangkot sa anti-Asian attack ang dalawang Pinoy sa siyudad ng New York sa Estados Unidos.

Kwento ni Consul General Elmer Cato, isa rito ang isang matandang Pinay na kinaladkad at tinulak sa hagdan sa isang subway station sa Rego Park, Queens.

Mabuti na lamang aniya ay may Filipina nurse na tumulong sa matanda at hindi ito umalis hangga’t walang dumarating na pulis.


Habang matinding pang-iinsulto naman ang inabot ng isang Pinoy theater actor sa subway train sa Manhattan.

Sa kabila ng pinaigting na seguridad ng mga otoridad sa mga Pinoy at Asyanong maaaring maging biktima ng karahasan, nagpapaala pa rin si Cato na kailangan ng ibayong pag-iingat .

Facebook Comments