Pagbabakuna sa Maynila, itinigil muna matapos magka-aberya sa online vaccination system ng lungsod

Inanunsyo ng Manila Health Department (MHD) ang pag-shut down ng lahat ng vaccination operations sa lungsod.

Ito ay matapos na magkaroon ng technical problem sa online vaccination system ng Maynila.

Epektibo kaninang alas-4:00 ng hapon ang pansamantalang pagtigil sa pagbabakuna sa first dose at second dose sa lungsod.


Ayon kay MHD Chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, iniimbestigahan na nila ang naging aberya sa online vaccination system ng Maynila.

Facebook Comments