Dalawang Pinoy seafarers na na-rescue sa lumubog na barko sa Uruguay, nasa karagatan pa rin

165

Manila, Philippines – Nasa karagatan pa rin ang dalawang Filipino seafarers
na na-rescue matapos lumubog ang sinasakyang barko sa Uruguay.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, sakay pa rin ng barkong
nag-rescue sa kanila ang dalawang Pinoy seamen at kasalukuyan pa ring nasa
Atlantic Ocean.

Patuloy pa rin aniya kasi ang search & rescue operation sa iba pang
nawawalang crew members.

Posible aniyang dalhin sa Brazil o sa Uruguay ang dalawang na-rescue na
Pinoy seafarers at naka-abang na ang mga tauhan ng Philippine Embassy para
umalalay sa kanila.

Kinumpirma naman ni Asec. Jose na nananatiling nawawala ang labing apat na
iba pang Pinoy crew ng lumubog na Korean cargo ship.

Facebook Comments