Pagtawag na terorista sa NPA, inalmahan ng isang mambabatas

49

Manila, Philippines – Umalma si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa
pagtawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa New People’s Army na mga
terorista.

Ayon kay Zarate, ang pagtawag sa NPA na terorista ay hindi makakatulong sa
ika-apat na round ng peace talk negotiations na ginagawa ngayon sa The
Netherlands.

Payo ni Zarate, dapat na iwasan ang mga hindi magandang pahayag lalo pa’t
nabigyan muli ng pagkakataon na maipagpatuloy ng pamahalaan at ng NDFP ang
usaping pangkapayapaan.

Hindi rin aniya ito makakatulong sa magkabilang panig bagkus ay maglalagay
lamang ito sa kritikal na isyu kung mapag-uusapan ng panel ang socio
economic reforms.

Mismong si GRP Peace Panel Head Secretary Silvestre Bello III na ang
nagsabi na asahan na ang mga aktibidad ng NPA dahil wala pa namang
deklarasyon ng ceasefire.

Sa kabilang banda ay patuloy naman ang operasyon ng military sa pinalalabas
na peace missions.

Facebook Comments