Dalawang police station sa Botolan, Zambales – sinalakay ng NPA

3262

Botolan, Zambales – Sinalakay ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army ang dalawang Police Station sa Botolan, Zambales.

Unang sinalakay ay ang platoon base ng 2nd Maneuver ng PNP Public Safety Company sa Barangay Taugtog, Botolan, Zambales kaninang ala una-uno ng madaling araw.

Pero ayon kay P/Sr. Supt. Christopher Mateo ang PNP Provincial Director ng Zambales agad namang nakapagmani-obra ng mga pulis na nasa loob nang sinalakay na police station.


Kaya hindi nakaabante ang mga rebelde dahilan para tumakas na lamang ang mga ito sa direksyong patungo sa Sitio Bihawo.

Dakong ala-una kinse naman kanina ring madaling araw tinangkang salakayin ng limang katao ang Botolan Municipal Police Station.

Agad itong pinagbabaril ng mga tauhan ng Botolan PNP.



Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa mga sumalakay na mga rebelde.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga pulis.


Facebook Comments