Dalawang Pulis, Inagawan ng Armas ng mga NPA!

Patuloy na tinutugis ng magkakasanib na pwersa ng PNP Isabela at 95th Infantry Battalion Phil. Army ang mga responsable sa pang-aagaw ng armas sa dalawang kasapi ng PNP Divilacan, Isabela.

Batay sa pauna at eksklusibong impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, pasado alas otso kinse kaninang umaga, Hulyo 05, 2019 nang maglatag ng checkpoint ang tinatayang nasa dalawamput limang armadong grupo na sinasabing mga NPA sa Sitio Lagis Barangay Sindon Bayabo, Ilagan City partikular sa Checkpoint ng DENR at LGU Ilagan kung saan naharang sina PMSgt Julius Baribad at PCpl. Bryan Balisi na kapwa kasapi ng PNP Divilacan.

Agad umanong inagaw ng mga armado ang mga dalang baril ng dalawang pulis na hindi na nakapalag matapos na sila’y palibutan at tutukan ng matataas na kalibre ng baril.


Matapos ang pangyayari, agad na tumakas ang mga rebelde sa di malamang dire ksyon.

Sa ngayon ay naglatag na ng checkpoint ang tropa ng pamahalaan sa bayan ng San Mariano at Lungsod ng Ilagan para sa posibleng pagkakaaresto ng mga salarin.

Inatasan din ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang lahat ng himpilan ng pulisya na magsagawa ng kaukulang hakbang upang hindi na maulit ang nasabing pangyayari.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Ilagan sa dalawang pulis ng Divilacan kaugnay sa naturang insidente.

Facebook Comments