Dalawang pulis Mandaluyong na nagviral sa social media habang hinahataw ng yantok ang mga naaresto, nasa Marawi City na

403

Marawi City – Nasa Marawi City na ang dalawang pulis Mandaluyong na nagviral sa social media na hinahataw ng yantok ang dalawang lalaking lumabag sa ordinansa ng lungsod.

Ayon kay PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt Reuben Theodore Sindac kahapon dumating sa ARMM PNP ang dalawang pulis na sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.

At kaninang umaga ay isinama mismo ni General Sindac ang dalawa sa Marawi City para mag-observe sa ginagawang clearing operation ng mga awtoridad.


Ginawa raw ito ni Sindac, matapos ipagutos ni PNP Chief Dir. General Ronald Dela Rosa na dapat ngayong araw ng Miyerkules ay nasa Marawi City na ang dalawa.

Sa ngayon, nanatili sa Marawi City Police Office sina Tandog at Enriquez.

Sinabi pa ni Sindac, nais lamang nilang magbagong buhay ang mga pulis na ito ay gawin ang kanilang tungkulin habang nasa Marawi City.



Una nang sinibak ang dalawang pulis sa Mandaluyong PNP dahil sa pangyayantok sa dalawang lalaking nahuling umiinom sa kalsada.

Facebook Comments