Dalawang pulis na nag-viral sa social sa media dahil sa pangyayantok sa nahuling violators hindi makakaranas ng special treatment sa Marawi City

Manila, Philippines – Siniguro ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na walang special treatment sa dalawang pulis na ipinadala sa marawi city matapos mag viral sa social media dahil sa pamamalo ng yantok sa dalawang violators sa Mandaluyong City.

Ayon kay Dela Rosa, pagdadaanan nina PO1 Jose Julius Tandog at Chito Enriquez ang lahat ng trabaho na ginagawa ng mga pulis na nasa Marawi.

Aniya kung ang ginagawa ngayon ng mga pulis sa Marawi ay ang makipagbakbakan sa Maute, makikipagbakbakan din aniya sina Tandog at Enriquez.


Kung manghuhuli aniya ng mga drug lord, carnapping lord o ano pa mang uri ng lord sa Marawi ang mga pulis doon, ganun din aniya ang pagdadanan ng dalawang pulis.

Sa ngayon hindi matukoy ni Dela Rosa kung hanggang kailan mananatili sa Marawi City sina Tandog at Enriquez.

Kamakalawa ng dumating sa Marawi City ang dalawa matapos ipagutos ni PNP Chief na ipatapon sila sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments