Dalawang putol na binti, natagpuan sa Bulacan

Manila, Philippines – Dalawang sunog at naaagnas nang mga binti ang natagpuan sa Malolos, Bulacan.
 
Ayon kay Larry Martin, barangay tanod sa lugar, nagtatanung-tanong na sila sa mga kabarangay kung may nakakitang kahinahinalang mga tao na posibleng nagtapon ng mga binti.
 
Aniya, kamakailan lamang ay nagkaroon ng grassfire sa mismong lugar kung saan natagpuan ang mga putol na binti.
 
Sinabi naman ni P/Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos pulis, perehong kanang binti ng babae ang natagpuan.
 
Kasabay nito, inalerto na ng Malolos police ang kalapit na mga istasyon sakaling may makita silang bahagi ng katawan sa kanilang nasasakupan.
 
Sa ngayon ay nasa superior funeral homes sa bayan ng Plaridel ang dalawang binti ng kinunan na ng DNA sample.
 
 
 
 

Facebook Comments