Weather Report

58
Manila, Philippines – Mainit na panahon ang asahan sa halos buong bansa dahil sa pag-ihip ng easterlies.
 
Posibleng magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Mindanao partikular sa CARAGA region.
 
Mainit sa Davao at Zamboanga City na may temperaturang aabot sa 33 degrees Celsius.
 
Sa Visayas naman, may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa silangang bahagi.
 
Katamtamang init ang asahan sa Cebu at Iloilo na may temperaturang mula 25 hanggang 31 degrees Celsius.
 
Maaliwalas na panahon ang asahan sa Luzon kasama na ang Metro Manila na may mainit na temperatura na papalo ng 34 degrees Celsius mamayang tanghali.
 
Sunrise: 5:53 ng umaga
Sunset: 6:08 ng gabi


 

Facebook Comments