Dalawang residente ng Makati, inaresto dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

Nahuli ng mga tauhan ng Makati City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang residente dahil sa pagbebenta ng shabu sa Barangay East Rembo, Makati City.

Kinilala ang mga ito na sina Agustin Guttan, 42-anyos at Elinor Perez, 49-anyos, kapwa residente ng Barangay East Rembo, Makati City.

Sa ulat Southern Police District (SPD), nagpanggap na buyer ng droga ang isa mga pulis kaya nahuli ang dalawa sa aktong nagbebenta.


Nakuha sa kanila ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet o 5.1 grams na shabu na nagkakahalaga ng P34,000, P500 na buy-bust money at isang kulay pula na maliit na coin purse.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments