Dalawang returning Filipino na nagpositibo sa double mutant COVID-19 variant, walang travel history sa India

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi galing o dumaan sa India ang dalawang returning Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpositIbo sa “double mutant” variant.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga ito ay kabilang sa limang iba pa na nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa bansa.

Aniya, ang dalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant ay parehong asymptomatic at gumaling na sa COVID-19.


Isa sa nagpositibo sa “double mutant” ay isang 37 anyos na seafarer na dumating sa bansa galing Oman noong April 10.

Nagpostibo ito sa COVID-19 noong April 15 at natapos ang quarantine sa isang hotel sa Metro Manila noong April 26.

Nagnegatibo naman ito sa swab test noong May 3 at ngayon ay nasa Soccsksargen.

Ang ikalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant ay isang 58 anyos na seafarer na galing sa United Arab Emirates at dumating noong April 19.

Nag-quarantine ito sa Clark Freeport Zone sa Pampanga at gumaling noong May 6.

Kasalukuyan itong nasa Bicol Region.

Nilinaw naman ng DOH na walang close contacts ang dalawang seafarer dahil agad na quarantine ang mga ito.

Facebook Comments