
Nauwi sa banggaan ang dalawang sasakyan matapos mabundol ng isang sedan ang likurang bahagi ng isang SUV sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Paitan East, Sual, Pangasinan bandang 1:25 ng hapon noong Marso 15, 2026.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, minamaneho ng SUV mula Alaminos City ang isang sedan kasama ang kanyang babaeng pasahero. Habang binabaybay ang nasabing kalsada patungong silangan, nagkamali umano ang driver sa pagtatantiya ng distansya sa sasakyang nasa unahan.
Dahil dito, kahit pa umano ito ay nagpreno, nabundol pa rin nito ang likurang bahagi ng isang SUV na may anim na pasahero.
Matapos ang insidente, dinala sa ospital ang dalawang driver at kanilang mga pasahero para sa agarang pagsusuri, ngunit ayon sa ulat ay walang naiulat na nasaktan.
Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at dinala sa himpilan ng pulisya sa Sual para sa kaukulang disposisyon, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala at iba pang detalye ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










