Tuesday, May 26, 2026

KABATAANG SAN CARLENIAN, WAGI NG GINTO SA KARATE PILIPINAS NATIONAL CHAMPIONSHIP

Nasungkit ng isang kabataang San Carlenian ang gintong medalya sa ginanap na 7th Karate Pilipinas National Championship 2026 sa Tagaytay City mula Marso 5 hanggang 8.

Kinilala si Shinobi Paragas-Tapiador mula sa Barangay Balaya, San Carlos City, matapos magwagi ng gold medal sa U21 Male Kumite (-84kg) category sa naturang kompetisyon.

Ayon sa pamahalaan lungsod, ang kanyang tagumpay sa ilalim ng Filipinas Wado Ryu ay patunay ng sipag, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng karate na nagbigay karangalan hindi lamang sa kanyang pamilya at mga coach kundi pati na rin sa buong lungsod ng San Carlos.

Pinangunahan ang kanyang pagsasanay nina Dr. Alejandro Enrico G. Vasquez, Vice President ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc., at Jayson Ramil Ram Macaalay, isa sa mga kilalang karate athletes ng bansa.

Ipinahayag naman ng mga tagasuporta ng atleta na nagsisilbing inspirasyon ang kanyang tagumpay sa iba pang kabataang San Carlenian na nais makilala sa larangan ng sports. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments