Dalawang self administered antigen kits, aprubado na ng FDA

55

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang dalawang self-administered COVID-19 antigen test kits.

Ayon kay FDA Officer-In-Charge Oscar Gutierrez, ang dalawang test kits ay mula sa Abbott at Labnovation Technologies, Inc. na binigyan na nila ng special certification.

Kaugnay nito, sinabi ni Gutierrez na may 86 na antigen test kits ang kanilang tinanggal sa merkado.


Sa kabila nito, iginiit naman ni Gutierrez na isa lamang ang self-testing sa paraan upang maprotektahan ang sarili sa Covid-19 at mas mainam pa rin na magpabakuna at sumunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments