MANILA – Naniniwala si Senate President Koko Pimentel at Senador Panfilo Lacson na hindi kailangang magbitiw sa pwesto si PNP Chief Ronald Dela Rosa.Kauganay ito sa pagkakasangkot umano ng ilang opisyal ng pambansang pulisya sa pagdukot at pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Ayon kay Pimentel – hindi maaring gamitin ang naturang insidente para pagbitiwin si Dela Rosa sa pwesto.Aniya, nalutas na ang kaso dahil nahuli na ang mga may kinalaman sa pamamaslang sa Koreano.Maari lamang pagbitiwin si Dela Rosa sa pwesto kung mabibigo itong aksyunan ang mga nagaganap na patayan sa buong bansa.Para naman kay Lacson – dapat bigyan ng pagkakataon si Dela Rosa na makabawi at maka-focus muli sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng PNPAniya, bilang dating superior kay Dela Rosa, nakilala niya ito na mapagkumbaba’t tahimik na tumutupad ng maayos sa kanyang tungkulin.Dagdag pa ni Lacson – pinayuhan na niya si Dela Rosa na linisin ang buong hanay nito mula sa mga tiwaling pulis.Samantanla, bagamat magkaiba ang pananaw nina Pimentel at Lacson, nirerespeto naman nila ang opinyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez tungkol kay Dela Rosa.
Dalawang Senador, Naniniwala Na Hindi Kailangang Magbitiw Sa Pwesto Si Pnp Chief Dela Rosa
Facebook Comments