Dalawang senador, umapela sa pamahalaan na tutukan ang sektor ng Agrikultura

Iginiit nina Senators Cynthia Villar at Sonny Angara sa Gobyerno at mga lokal na pamahalaan na bigyang prayoridad ang sektor ng Agrikultura.

 

Si Senator Villar, hinihimok ang mga lokal na lider ng mga agricultural town sa buong bansa na tulungan ang kanilang mga magsasaka na maging mas higit na “competitive” sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga farm schools.

 

Paliwanag ni Villar, sa pamamagitan ng mga farm schools ay maituturo sa mga magsasaka ang modernong paraan ng pagsasaka para mapag-ibayo ang kanilang ani at mabawasan ang gastos sa produksyon.


 

Katwiran naman ni Senator Angara, dapat isulong ng Administrasyong  Duterte ang kapakanan ng agrikultura at imprastraktura ng bansa kung seryoso ito sa layuning labanan ang matinding kahirapan partikular sa mga kanayunan.

 

Ipinunto ni Angara, na mayorya ng pinakamahihirap na Pilipino ay naninirahan sa mga lalawigan na ang tanging pinagkakakitaan ay maliliit na sakahan.

 

Ikinalungkot ni Angara na ilang taon ng nakatatanggap ng napakaliit na pondo ang Department of Agriculture na katumbas lamang ng 2 porsyento ng kabuuang pambansang budget.

Facebook Comments