Friday, February 20, 2026

DALAWANG SENIOR CITIZEN, ARESTADO SA KASONG FALSIFICATION OF PUBLIC DOCUMENT SA ASINGAN

Magkasunod na inaresto ng mga tauhan ng Asingan Municipal Police Station sa ilalim ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang dalawang senior citizen na kapwa nahaharap sa kasong Falsification of Public Document noong gabi ng February 19, 2026.

Unang nadakip alas-10:40 ng gabi ang isang 73-anyos na lola na residente ng Asingan. Sinundan ito ng pag-aresto sa isang 74-anyos na lolo, alas-11:15 ng gabi sa parehong bayan.

Isinagawa ang pagdakip sa bisa ng magkahiwalay na Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Falsification of Public Document. Inirekomenda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱36,000.00 para sa bawat akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Asingan MPS ang dalawang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa korte.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng kapulisan ang publiko na igalang at sundin ang batas upang maiwasan ang anumang pananagutang kriminal.

Facebook Comments